
Hindi na ako nakakapagsulat ng blog. Dahil na din siguro sa dami ng pinagkakaabalahan ko sa buhay. Hindi ko din alam bakit bigla ako nasagap sa mga kung ano-anong uri ng advocacy. Pero sabi nga nila mabuti daw ito sa kaluluwa. Hindi naman siguro ito penetensiya sa mga kalokohan ko nung bata bata pa ako. Pero ginusto ko na din na tumulong dahil na din sa ginusto ko ng pagbabago.
Maraming nagrereklamo pero wala namang ginagawa. Maraming nasusuya pero tumatalikod lang sa pagtulong. Maraming naasar pero wala namang sinasabi. Ako --- isa akong nuknukan ng daldal na tao. Gusto kong naririnig ang mga opinion ko sa buhay. Gusto ko ang bawat salitang binibigkas ko ay may kabuluhan. Ayaw ko ng non-sense. Ayaw ko ng walang kwenta. Ayaw ko sa pagkikibit balikat sa mga bagay-bagay na dapat kaya mong gawan ng paraan. --- gawan ng pagbabago. Isa lang akong simpleng tao na gustong makatulong. Nagsisikap para magkaroon ng marka sa mundo bago man lang ako kunin ng May Kapal. Hindi rin naman ako santo, hindi ako banal at lalong hindi ako dakila. Ako katulad mo lang din, taong nadadapa, nasasaktan at naririndi. Pero siguro ang pagkakaiba natin, pagnadapa ako, marunong ako bumangon; pag nasaktan ako, marunong akong maghilom; pagnarindi ako, marunong akong umalma sa mali.
Totoo nga atang maswerte ako ngayong Year of the Water Dragon. Parang kaibigan ko nga talaga siya. Biruin mo, may matino akong trabaho, maayos ang pamilya ko kahit paminsan-minsan may asaran, may nagmamahal sa akin ng lubos at sadyang mahal ko din naman, nakakatulong ako sa kapwa, may panahon magpahinga, magsarili at napagkakasya naman ang mga gastusin sa araw-araw. Marahil ang pag tulong ko ngayon at isang uri na din ng pasasalamat ko sa mga biyayang binibigay sa akin. Aba, marapat lang din naman ako magpasalamat. Hindi sa lahat ng pagkakataon masasabi kong masaya ako. Kuntento sa mga bagay-bagay sa buhay ko. Sana magtuloy-tuloy.

Eto ang recent project ko matapos ang Solace, Yoga for Life, Family for Keeps ay Take The Test naman. Nung isang taon kasi, naging peer educator ako. Isang seminar na inattendanan ko para makapagturo tungkol sa katotohanan ng HIV/AIDS. Dami ko na kasing kaibigan na nagkakasakit. Nakakatakot, nakakalungkot at nakakaasar kaya naisipan ko na pasukin ito. Biruin mo, kada 3 oras, may isang nahahawaan ng HIV sa Pilipinas. Naknangputcha! Ikaw ba hindi ma-aalarma sa ganon. Kaya gumawa ako ng photoshoot with Take The Test para naman magkaroon pa ng dagdag kaalaman ang mga tao tungkol sa HIV/AIDS. OO, hindi lang bakla ang pwedeng makakuha nito. Kahit na sino pwede. Wala siyang pinipili. Kaya kung ako sa iyo aalamin ko na status ko. Ako man, kahit ilang beses na nagpatest, kinakabahan pa din kada resulta. Kahit na alam kong protektado ako lagi may kaba talaga. Pero mas maige na na alam mo na ngayon kaysa naman malapit ka na mamatay saka mo lang nalaman. Kaya ano pahinihintay mo puntahan ang link na ito para malaman kung saan pwedeng magpatest. Libre ang education kaya wag mo ipagkait sa sarili mo. Libre din ang testing kaya wag ka na umarte.
Know your status. Take the Test! NOW NA!
0 comments:
Post a Comment